Payaso
*Flashback*
May 2003, Cubao
Team SK Kaunlaran Station
Pinsan: Uy ******! Nanalo ka! Panglima ka! (sabay yakap kay ****** pagkatapos makipagkamay)
******:Yehey!!!
SK Chairman: Yahoooooo!
*End of Flashback*
Malapit nanaman ng panahon ng pangangampanya.
Malapit nanaman ng mga matatamis na pangako ng mga pulitiko sa kanilang mga nasasakupan.
Kanya-kanyang agenda. Kanya-kanyang plataporma. Kanya-kanyang interes.
Magulo.
Maingay.
Madumi.
Marahas.
Labing-pitong taong gulang ako nung magsimula akong pumasok sa magulong mundo ng pulitika. Naging kagawad ako ng SK sa aming baranggay.
Labing-pitong taong gulang ako nung unang makita ng dalawa kong mata ang tunay na itsura ng pulitika. Kumbaga sa Araneta Coliseum, nasa Patron seats ako nakaupo at kitang-kita ko ang mga baluktot na sistema. Sistema na punong-puno ng diskriminasyon, pagkakanya-kanya at pagwawalang bahala sa batas na sila din ang nagpapatupad.
Nakita ko ng malapitan kung paano binago ng kapangyarihan ang mga taong may malilinis na hangarin para sa bayang paglilingkuran. Nakita ko kung paano sila naging ganid sa kapangyarihan.
Mag-pipitong taon na ang nakalilipas, nakikita ko nanaman ang mga ads ng mga politiko sa lahat ng uri ng media sa paligid.
Mga poster, tv ads, radio ads, hand-outs at report papers na parang mga radyo na kinapapalooban ng kanilang mga nagawa “para sa bayan”.
Iisa lang naman ang gusto nilang ipahiwatig sa ads nila. Hinihikayat nila tayo na iboto sila para “makatulong” sila sa ikagaganda ng buhay ng lahat ng nasasakupan nila.
Sa edad ko na **, nasa tamang edad na ako para bumoto.
Ang pagboto ay hindi isang karapatan, ito ay isang tungkulin bilang mamamayan.
Pero ayaw kong bumoto.
Sa opinyon ko, hindi ko pa nakikita ang karapat-dapat na iboboto sa ngayon.
Ayaw ko nakakakita ng mga ads ng mga pulitiko na pinangangalandakan nila sa lahat ng tao ang mga ginawa nila at mga plano pa nilang gawin. Puro sila pasikat. Puro sila pa-pogi. Puro sila pangako
Para silang mga payaso na lumalansi sa mga mata ng publiko sa pamamagitan ng pagpapakita na masaya ang mundo pag nandito sila, ngunit ang katotohanan ay kinukubli ng mga kolorete na ginagamit nila.
“A true test of a man’s character is what he does when no one is watching“
Kung isa kang pulitiko na tapat sa iyong mga hangarin, hindi mo na kailangan ng mga ads para masabi mo na isa kang tapat na manlilingkod ng bayan.
Hindi mo na kailangan gumastos ng milyong piso para lang mahalal ka muli.
Ipakita mo sa pamamagitan ng gawa na talagang malinis ang iyong hangarin kaya gusto mo maupo sa pwesto. Di mo na kailangan ng kung anu-anong gimmick para lang mapansin ka (No. 1 worst gimmick ever: Bangkang Papel).
Gawin mo lang ang mga ipinangako mo na gagawin mo, at lahat ay susunod na.
Ako po ay isang taong grasa. Makikinig ka pa ba?





What's the Buzz?
rubberkid on Gullibility Starts at Home
Should be: A: "Insert candidate's name here" daw iboto namin sabi ng parents ko.rubberkid on Gullibility Starts at Home
Here's a scenario I kept encountering during the last elections: Q: So who you voting for? A: daw iboto namin sabi...robyny on Gullibility Starts at Home
also the future headless chickens. :DIan Baltazar on Gullibility Starts at Home
Bad parenting such as an authoritarian household produces two kinds of individuals--the future dictator and the future follower.YUMMM on Pinoys Should Not Apologize For Being Asian
If it can fly and it's not an aeroplane or if it comes from the sea and its not a...Englishpigdog on The Philippines Gets Everything It Deserves
The problem there is that it will be cried out that its non democratic and slightly elitist as inevitably class...Hello on Pinoys Should Not Apologize For Being Asian
Well I have pets, and I'd like to think you may never understand the bonds other people have when they...BongV on Hello GRP and Orion!
he has done WHAT exactly? more stupid shit - like his sock puppets Rey Refran, Carlito's Way, Kim Villaluz -...BongV on Hello GRP and Orion!
gumawa ng kubuhungan? only Orion can do that :DAPNET PROXY on Hello GRP and Orion!
Muhammad Ali, you are missing the point. It is not about whether only Orion can do what Orion is doing. Don't...