Who really is the ANTI-PINOY? May14

Tags

Related Posts

Share This

Who really is the ANTI-PINOY?

Bakit ako nagta-Tagalog? Kadalasan, english ang ginagamit ko sa mga post ko tulad nito. Pero ngayon, dahil ang paksa ko ay ang Kawawang Pilipinas, mas naaayon kung ang wikang Filipino ang gagamitin ko.

Dahil sa youtube video na pi-nost ng kaibigan ko sa facebook, napadpad ako sa isang anti-pinoy site. Nung una, nagalit ako, dahil ang unang pumasok sa isip ko, “racist na naman. Discrimination ulit. Ano ba yan, hindi na nagsawa!” Pero nung binasa ko yung site, naintindihan ko ang ibig sabihin ng ANTI-PINOY. Sa likod ng website na ito ay mga kapwa Pilipino rin na malaki ang concern sa Pilipinas. At dahil don, napaisip ako. Bakit nga ba ganito ang bansa natin? Bakit nga ba hindi natin magawang tumulad sa ibang mga bansa? May pag-asa pa ba ang mga Pilipino? Subukan niyong mapadpad sa site na iyon, at tiyak ring mapapaisip ka.

Sa totoo lang, matagal ko naring iniisip ito. Bakit ang mga Pilipino, kapag may sumisikat sa ibang bansa, proud na proud tayo? Halimbawa, si Pacquio at si Charice. Kulang nalang, halikan natin ang mga paa nila sa tuwing nabibigyan sila ng parangal. Kapag may ganitong pagkakataon, tambak na tambak sa facebook, twitter, at tumblr ang mga katagang “I’M PROUD TO BE A FILIPINO.” Bakit nga ba? Dahil sikat ang Pilipinas sa mga sandaling ‘yon, kaya proud ka na Pilipino ka? Kung hindi ba mabibigyan ng parangal ang kahit na sinong Pilipino, masasabi mo bang proud ka? Sige nga, anong meron ang Pilipinas na talagang proud ka? The ‘mano’ and ‘po at opo’ practice? Mga white beach na mahahalintulad sa mga beaches ng ibang bansa? Pagiging masayahin sa kabila ng kahirapan ng buhay? Pagiging matiyaga ng mga Pinoy para may ipampakain sa pamilya? Ang pagiging relihiyoso natin? Hospitality? Eh how about Corruption? Sugal? Over Population? Unemployed Graduates? Education? ‘Bahala na’ practice? Crab Mentality? At higit sa lahat, poverty? Subukan mong gumawa ng listahan ng mga magaganda at hindi magagandang bagay meron ang Pilipinas, sigurado akong mas marami ang hindi maganda. Kaya sige nga, anong meron ang Pilipinas na talagang proud ka?

Bakit ang mga Pinoy, ang madalas sabihin sa mga anak, “Anak, magaral ka ng mabuti. Para makatapos ka, para makahanap ka ng magandang trabaho.” Bakit ang mga Chinese, ang sinasabi nila sa mga anak nila, “Anak, ikaw aral buti, para ikaw tapos, para ikaw meron maganda negosyo.” Parehas lang ba yan? Diba may malaking kaibahan? Kaya mayaman ang mga Intsik eh, dahil negosyo agad ang iniisip nila. Ang mga Pilipino, trabaho ang hinahangad. Parang ako. Isang taon nalang at ga-graduate na ko sa kurso ko na Information Technology. At aaminin ko, kung tatanungin mo ko, ang sasabihin ko sayo eh gusto ko nang makatapos dahil gusto kong magtrabaho sa ibang bansa para malaki ang sweldo. Yan ang hirap sa’ting mga Pinoy eh. Pinapatunayan lang natin na ang mga Pilipino ay alila ng mga dayuhan. Mali ba ko?

Isa lang naman yan eh. Sa halip na lumaban tayo at makipag-away sa mga taong nagbibigay ng criticism satin, eh ba’t hindi nalang tayo tumahimik at tanggapin ang mga criticisms nila at gumawa ng paraan para maayos ang ating sistema at mapatunayang mali sila? Ayaw kasi nating magpatalo eh, kahit na may punto ang mga criticisms nila. Puro kasi tayo dada eh, wala naman tayong ginagawa.

Isa na akong ANTI-PINOY ngayon. Ito ay ang mga Pilipinong hindi lumalaban sa kapwa Pilipino; bagkus ito ay tumutulong sa mga kababayan na makita ang mga mali ng ating bansa at gumawa ng hakbang upang maayos ang mga maling ito para mas mapabuti ang kawawang Pilipinas.

—————————————————————

This is a repost from http://ilymeansiloveyou.tumblr.com/post/5476338177